Si Tatay..

Salamat sa lahat ng dumalaw sa bahay ko.

I have a pretty long weekend last week.

I filed a 1 day leave to go home in GenSan kasi bertdey ng Nanay ko. Hindi matutumbasan ng kahit gano kalaking pera ang sayang nakita ko sa kanyang mga mata. I love you nanay, mahal na mahal kita. happy birthday!

It was a great short vacation I had. Palagi kong kakulitan ang aming mga tsikiting sa bahay(dalawang pamangkin).

Kahapon (linggo) dumalaw kami sa puntod ng lolo ko, mga trenta minutos na byahe mula sa bahay. It’s been a long time since I visited him kaya pumunta kaming mag-anak sa kanya. It was so peaceful on the cemetery (syempre mga patay lahat eh, di talaga maingay), kidding aside, ang gaan gaan ng pakiramdam ko. Yep, na-miss ko na kasi siya and yeah lolo’s pet ako, buddy buddy kami ng lolo ko nung nabubuhay pa siya. Umiiyak ako pag di ako nakakasama kung san siya pupunta. When he passed away 2 tears ago, it felt like my world collapsed.

Pero nun yun, di ko pa kasi matanggap, ngayon ok na ko. Di kasi siya sasaya kung palagi niya akong nakikitang nalulungkot. Pero na-mi-miss ko pa rin yung yakap niya, yung mga salitang nakakapagpapawi ng lungkot, yung pag-aalaga at pag-aaruga. Yung kahit alam kong mali ako, kumakampi pa rin sa akin si lolo. I’m a typical lolo’s girl, and I love him so much. I have a confession, oo natanggap ko na wla na siya pero kapag napapag-usapan o naaalala ko siya, di ko maiwasang di umiyak. Cge na nga, change topic, di ko to matatapos kapag si lolo ang topic.

Nung pauwi na kami galing sementeryo, napangiti ako. Habang karga karga ni tatay ang aking pamangkin, nakahawak naman yung isang kamay niya sa kamay ni Nanay(holding hands). Narinig ko pa nung sinabi niyang “Dito ka lang sa tabi ko, mabibilis tumakbo ang mga sasakyan dito”. With that simple gesture, I adore my father so much. I felt how much he love my Nanay..how much he love us. Hindi man siya mahilig magsalita pero nakikita ko, nakikita namin ni kuya.


A year ago, Nanay met accident and broke her left leg. Sa di maipaliwanag na sitwasyon, habang nagwawalis siya, bigla siyang nadulas, hayun nabali ang kaliwang binti niya. Tatay talked to me and my bro, ang sabi niya “Alam kong iritable at di maintidihan ang ugali ng Nanay nyo ngayon pero intindihin natin siya dahil di mabuti pakiramdam niya, wag natin siyang bigyan ng sama ng loob.” Kahit daw ano ang sabihin ni Nanay, wag namin patulan. Di kasi sanay si Nanay na wlang ginagawa and during that time, di siya pwedeng gumalaw o tumayong mag-isa dahil kaka-opera niya lang. Kaya galit siya palagi..

Inalagaan siya ni Tatay, hanggang sa gumaling siya. Umuuwi ako kapag weekend pero kapag weekdays, si Tatay ang nag-aalaga sa kanya.

Hindi naman sila ganun ka-sweet pero nakikita ko sa mga galaw at gawi that they care so much for each other. That’s why I adore and respect them with all my heart.

Ganun pala ang tunay na pagmamahal, in spite and despite of everything, nandun palagi ang isa’t isa, nakaalalay, handang umunawa, magpasensiya, magpakumbaba, mag-aruga at magmahal.

Andami kong natutunang aral galing sa kanila. Minsan natatakot akong magkapamilya, I was afraid that it wouldn’t work out. Sabi ko nun, magkapatid nga nasa iisang bubong lang, nag-aaway nga, yun pa kayang dalawang estranghero? But my parents opened my eyes…

Truly love is..patient; love is kind
and envies no one.
Love is never boastful, nor conceited, nor rude;
never selfish, not quick to take offense.
There is nothing love cannot face;
there is no limit to its faith,
its hope, and endurance.
In a word, there are three things
that last forever: faith, hope, and love;
but the greatest of them all is love.

~ 1 Corinthians 13 ~

1 Comment(s)

  1. nice post tya! i really like this verse..and that’s really true!though never easy but “true!”

    ev | Nov 14, 2006 | Reply

Post a Comment